NATIONAL Tinig ni Rex Molines

Pairalin: Wastong Pagwagayway ng Ating Bandila

Nagsimula na ang 15-day National Flag Days o ang 15 Araw ng pagwagayway-pagsabit ng ating Pambasang watawat sa ating paligid bilang paghahanda sa Araw ng Kalayaan (Hunyo 12, 2021). Base na rin sa Republic Act 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines” at House bill 5224 na aprubado ng Kongreso. Hinihikayat din ang lahat na makiisa ang buong sangay ng gobyerno, mga negosyante, institusyon, paaralan, at bawat tahanan na magsabit ng ating Pambansang watawat sa ating mga nasasakupan.

[by RBM]

Nagsimula na ang 15-day National Flag Days o ang 15 Araw ng pagwagayway-pagsabit ng ating Pambasang watawat sa ating paligid bilang paghahanda sa Araw ng Kalayaan (Hunyo 12, 2021). Base na rin sa Republic Act 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines” at House bill 5224 na aprubado ng Kongreso. Hinihikayat din ang lahat na makiisa ang buong sangay ng gobyerno, mga negosyante, institusyon, paaralan, at bawat tahanan na magsabit ng ating Pambansang watawat sa ating mga nasasakupan.

Ano nga ba ang 15-Day Flag Day Period?

Ang 15-Day Flag Day period ay idineklara batay na rin sa Executive Order 179 na inilahad ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ito ay ang pagkilala o pagtanaw sa ating Pambansang watawat na pinaghahandaan natin mula Mayo 28 hanggang sa Araw ng ating Kasarinlan (Hunyo 12) o Independence day. Mababatid sa kasaysayan kung saan naganap ang rebolusyonaryo o ang pakikipaglaban ni Heneral Emilio F. Aguinaldo sa Alapan bayan ng Imus sa Cavite laban sa Espanya noong Mayo 28, 1898 at hanggang sa matagumpay na iprinoklama ang Araw ng ating Kalayaan noong Hunyo 12, 1898.

Kaunting Kaalaman:

Ang ating Pambansang watawat ay masikap na hinukapan ni Marcela Agoncillo sa Hong Kong, katuwang ang kaniyang anak na si Lorenza at si Delfina Herbosa de Natividad pinsan ni Gat Jose Rizal. Ang Watawat ay simbulo ng ating pagka Pilipino, may pagkakaisa at pagiging ganap na Malaya sa kasarinlan na ating natamasa buhat ng tayo ay sakupin ng mga dayuhang banyaga.

Marami na ang naging bersyon o disenyo ng ating bandila. 1998 nang maisabatas ang kasalukuyang disensyo ng ating watawat na may kulay dilaw, bughaw, at pula, tatlong bituin, at araw na may walong sinag na sumisimbulo sa walong mga lalawigan ng Pilipinas noong 1896 laban sa Espanya. Ito ay ang; Maynila, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, at Pampanga.

Wastong Pagwagayway, Pagsabit ng ating Pambasang Watawat:

May dalawang uri ng pagposisyon sa ating Watawat, ang; TIME OF PEACE at TIME OF WAR. Kung patayo o vertical position ang pagsabit ng watawat ay marapat lamang na ang nasa itaas ay ang dilaw na kulay o makikita sa tuktok nito ang araw at ang tatlong bituin habang nakaharap sa kanang bahagi ang kulay asul na banda (Time of Peace) takda ito ng ating kasarinan at nasa kaliwa naman ang kulay pula na banda na siyang nagtatakda ng digmaan o giyera na ating kinaharap noon. Kung ito ay isasabit sa flag pole, mahigpit na pinakaiingatang huwag sumayad ang tela ng ating watawat sa lupa o mabasa ito ng tubig. Kapag ito ay lumuma na o mangupas yaring kulay, walang kahit na sino ang pwedeng maglaro nito bagkus ito ay sinusunog ng may abiso at hindi basta-basta lamang. Mahigpit ding ipinagbabawal na gamitin itong pang-dekorasyon sa loob ng bahay o pang-costume sa ano pa mang uri ng kompetisyon, paggawa ng mga sticker pang sasakyan o sa ating mga kasuotan gamit ang imahe ng bandila, at lalung-lalo na sa pagba-bandalismo (vandalism) ng ating watawat.  Iwinawagayway natin ang ating bandila ng sabay-sabay sa umaga at sa araw ng ating kasarinlan buhat ng ito ay pinasinayangan sa lugar ng mga matatapang at may paninindigan; ang Cavite.

RESPETO SA BANDILA, PAIRALIN

Malaki ang ating gampanin o responsibilidad sa paggamit, pagwagayway, o pagsabit ng ating Pambansang watawat saan mang dako ng Pilipinas.  Mahigpit na ipinagbabawal sa ating batas at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagyurak o pagbalewala sa ating Pambansang watawat. Walang sinuman ang may karapatang lumabag sa pagrespeto sa ating bandila na siyang nagpamulat ng ating ganap at tunay na pagka Pilipino sa bansang ipinaglaban ng mga bayaning namuhay nang may pagmamahal sa bayan. Ituro nawa natin sa loob ng ating tahanan ang kahalagahan at tamang pagrespeto sa ating bandila. Sapagkat ang makikinabang nang ating iniingatang yaman ay ang mga kabataan sa makabagong panahon. Huwag lang natin basta isabit o idisplay ang bandila bagkus magkaroon tayo ng kusa upang alamin ang natatanging kasaysayan sa banda ng mga kulay, araw at bituin sa ating bandilang iwinawaygayway mula noon hanggang ngayon. Maligayang Araw ng Kasarinlan. Mabuhay ang Pilipinas! #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Pairalin: Wastong Pagwagayway ng Ating Bandila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: