Editoryal

Mantra ng mga Politiko: ‘Wag mamolitika sa panahon ng pandemya’

Tila nabubuo na ang iba't ibang tandem ng mga malalaki at makapangyarihang politiko sa bansa sa nalalapit na eleksyon 2022. Tila umiinit na rin ang usaping politika ngayon dahil sa samu't saring mga kaganapan sa senado gaya ng kay Sen. Manny Pacquiao, at ang kinabibilangan nitong partidong PDP-Laban na tila etsapwera na sa partido dahil sa hangarin ni Pacquiao na siya ay tatakbong independent.

Tila nabubuo na ang iba’t ibang tandem ng mga malalaki at makapangyarihang politiko sa bansa sa nalalapit na eleksyon 2022.

Matapos kasi itong maamoy ng mga netizen sa posibilidad na nagkakaroon na ng mga pagpupulong ang ilan sa mga butihing Alkade, mga dating mambabatas and the company at sa mga pag-uulat na lumalabas sa telebisyon at sa social media. Tila umiinit na rin ang usaping politika ngayon dahil sa samu’t saring mga kaganapan sa senado gaya ng kay Sen. Manny Pacquiao, at ang kinabibilangan nitong partidong PDP-Laban na tila etsapwera na sa partido dahil sa hangarin ni Pacquiao na siya ay tatakbong independent.

Ilang buwan na lamang ay magsusumite na ng Certificate of Candidacy (CoC) ang mga politikong nagbabalak na tumakbo sa kani-kanilang nais upuan.

Paano nga ba ang gimik ngayon na gagawin ng mga politiko sa pagtakbo sa darating na halalan? Kahit na ang mantra ngayon ng lahat ay huwag mamolitika sa panahon ng pandemya at nalalapit na halalan.

Ayon sa isang ekperto, sa ganitong sitwasyon, llyamado ang mga nasa poder o kung sino ang nakaupo sa kasalukuyan. Sapagkat, hawak nila ang poder, saklaw ang kanilang nasasakupan, at hawak nila ang resources sa gobyerno. Ngunit, kontrolado pa rin ang cycle na ito ng administrasyon.

Ngayon ay tila mahahati ang boto ng taumbayan dahil sa marami ang nais tumakbo sa darating na halalan 2021. Kahit na hindi pa naman nagpapakilala ang mga naghahangad na tumakbo ay kapansin-pansin na rin ang kanilang mga galawan. Tila walang pagbabago sa magiging istratehiya ng mga politiko kung paano sila gagawa ng kanilang kampanya ngayong may pandemya. Lalo na, hindi na tanggap ng mamamayan ang mga galawang pagtulong ng mga nanunungkulan na ibalandra ang kanilang mga mukha at adhikain sa pamamagitan ng mga printed materials para sa political ads at mga traditional tactics sa nalalapit na kampanya ng mga tatakbo.

Base sa isang survey na nakalap din, tila na sa 20% ang nagpapakita ng kanilang sentimyento na sila ay anti-administration. Nasa 41% naman ang nagsasabi na neutral sila, at 40% ay ang mga pro-administration. Sa pag-aaral na ito, naipapakita ang pinakamalaking porsyento na may malaking tiyansa na manalo ang mga napipisil ni Pangulong Duterte na tatakbo sa kaniyang hanay at mababang porsyento lamang nito ang nagpakita ng kawalan ng tiwala sa kasalukuyang administrasyon.

Sakabila nang mga usaping ito, ang taumbayan pa rin ang pipisil sa kanilang napipiling iboto sa darating na eleksyon 2022. Mananaig pa rin sa taumbayan ang mga nakatulong sa lahat at kung ano ang mga nagawang kaayusan, pagbabago at kung paano natin hinaharap ang nagpapatuloy na pandemya sa bansa. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mantra ng mga Politiko: ‘Wag mamolitika sa panahon ng pandemya’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: