Kung may “Jolly-Towel” mayroon ding pa-plastic cap ang burger ng Jollibee. Anyare?!

Isa na namang reklamo ang nag-trending ngayon patungkol sa inorder ng isang customer ng Jollibee na umano’y may plastic cap na naipalaman mismo sa inorder niyang cheesy bacon burger.
Ayon sa ipinoste ng Jollibee customer na si Glyndale Draper Rico, nakailang kagat na siya ng inorder niyang burger bago niya ito matuklasan na may plastic cap sa kaniyang kinakain.
Aniya, naganap ang pangyayaring ito noong Mayo 31, isang araw bago umusbong ang kontrobersyal na deep fried “Jolly-Towel” na galing din mismo sa Jollibee.
“Before there was a Jollibee fried chicken towel, I received a cheesy bacon burger with plastic cap! Thanks to JOLLIBEE BAUTISTA.
Saad pa ni Glyndale, agad naman niya itong ipinagbigay alam sa branch manager ng naturang fast-food. Tinawagan din siya agad nito kaugnay sa aksyon na kanilang isasagawa.
Narito ang post ng isang Jollibee customer sa kanyang Facebook account:
Pinapaalalahan ang mga fast-food chain at restaurant na magdoble ingat sa pag-assemble ng mga order ng kani-kanilang customer upang maiwasan ang mga complaint na mabilis namang nailalabas sa social media. Agarang aksyon ang kailangan ng mga nakararanas ng ganitong pangyayari at huwag ng humantong pa sa pagsasara ng mga establisimiyento. #DM
0 comments on ““Plastic cap” naipalaman sa burger ng isang customer ng Jollibee”