Banner Story NATIONAL

Sarah Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo sa 2022

KINUKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio na maging standard bearer ng kaniyang partido sa darating na halalan 2022, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

[ni Rex Molines]

KINUKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio na maging standard bearer ng kaniyang partido sa darating na halalan 2022, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, nananatiling undecided ang presidential daughter na tumakbo sa darating na eleksyon sa pagka-Pangulo. Sinabi na rin ito ni Duterte na ayaw ng kanyang anak na sundan ang kanyang yapak sa politika.

Bukod kay Sarah, napipisil din ni Duterte ang kaniyang mga presidential bets na si former Senator Ferdinand R. Marcos Jr., Manila Mayor Francisco M. Domagoso, Senator Christopher Lawrence T. Go, at ang boxing champion Sen. Emmanuel D. Pacquiao.

Samantala, sinabi naman ni Albay Rep. Jose Maria Clemente S. Salceda nitong Miyerkules ng gabi na sinabi ni Sara Duterte-Carpio na siya raw ay tatakbo bilang Pangulo at ngayon ay bumubuo na ito ng alyansa sa iba’t ibang mga pampulitikang grupo.

“I have exchanged texts with her and I can tell you that she is really running,” saad ni Salceda sa isang panayam ng OneNews.

Si Salceda ay miyembro ng partidong PDP-Laban, limang political parties na handang suportahan si Ms. Carpio bilang pambato ng kanilang partido.

Samantala, nagbigay pahayag si Salceda ukol sa posibilidad na Duterte-Duterte tandem na hindi ito tamang gawin dahil kailangan ng administrasyon ng geographical balance na pagtugon.

Aniya, kailangan na makahanap ang presidential daughter na magiging running mate nito sa ibang rehiyon para mas makakuha ng balanseng boto sa darating na halalan 2022. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Sarah Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo sa 2022

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: