[by Athena Yap]

Edi Sana All!
Ganyan ang reaksyon ng maraming fan na nakanuod ng recent uploaded vlog ng hunk actor na si Gerald Anderson.
Makikita sa vlog ni Anderson na dumayo ito mula Manila patungong Subic para lamang makita ang nobya na si Julia Barretto.
“Di ako makapunta sayo eh, kumain ka na?” Nakakakilig na hirit pa ni Anderson habang tila Romeo and Juliet silang nag uusap.
Nasa taas na terrace si Julia, habang si Gerald naman ay hindi maaring makalapit kaya nasa baba lamang siya.
Tila nabalewala lahat ng mga basher at naging major turn pogi points pa sa aktor ang ginawang pag sorpresa kay Julia.
Hiling naman ng ibang fan ay sana totoo ang pagiging seryoso ni Gerald kay Julia dahil sa ganoong gawain ni Gerald ay tila ramdam ng iba ang sincerity nito sa aktres. #DM
0 comments on “Gerald Anderson dinayo si Julia Barretto sa Subic”