Tinig ni Rex Molines

TNRM: Ikaw ang BEEda ng aming Saya!

Minsan din akong naging crew ng Jollibee, year 2008. Dati blue pa ‘yung uniform namin. Backup ako dun, alam ko kung gaano kahirap maging backup. Magbubuhat ka ng 25 kilos na sako ng bigas, kailangan alam mo mag-FIFO ng lahat ng mga dumarating at ilalabas na item, ikaw din sa inventory, dapat may initiative ka sa bawat ginagawa mo at higit sa lahat hindi ka pwedeng umasa sa iba dahil ikaw din ang mapapahamak. (TNRM)

[ni Rex Molines]

Minsan din akong naging crew ng Jollibee, year 2008. Dati blue pa ‘yung uniform namin. Backup ako dun, alam ko kung gaano kahirap maging backup. Magbubuhat ka ng 25 kilos na sako ng bigas, kailangan alam mo mag-FIFO ng lahat ng mga dumarating at ilalabas na item, ikaw din sa inventory, dapat may initiative ka sa bawat ginagawa mo at higit sa lahat hindi ka pwedeng umasa sa iba dahil ikaw din ang mapapahamak.

Madalas din akong nakakapag-skip ng lunch dahil ang hirap ‘pag wala kang kapalitan. Lalo na pag peak-hours or peak days. Naranasan kong ma-stuck up sa loob ng walk-in freezer at walk-in chiller (kasi kusa ‘yun nagsasara, lalo na ‘pag walang makakapansin sa’yo, lalamigin ka dun sa loob at pati ang hawak mong ballpen matutuyuan ng tinta). Tapos maglilinis pa kayo ng store sa closing, lalabas ka ng store na mabaho ka na, pandidirihan ka pa ng mga pasaherong makakatabi mo.

Noong na-hire na ako, hindi maiwasan talaga na may manager na pupunahin ang panlabas mong hitsura, kesyo bakit daw ako nakapasok sa Jollibee, e puro bukbuk ang mukha ko at ang payat ko. Nainis at natawa na lang ako nun. Haha! Hindi ko ‘yun makakalimutan. Bakit daw ako na-hire?! e kasi nga, ginalingan ko kaya ayun natanggap ako. Haha!

Papasok ako ng 3 p.m. sa store at lalabas ako ng 10 p.m., makakauwi na ako ng bahay ng 11 p.m. minsan pag minamalas ka at biglang bumuhos ang ulan, nakakarating na ako sa amin ng 12midnight. Gigising ako ng 3 a.m. kasi may OJT pa ako sa NBN Channel 4 (PTV channel 4 na ngayon) as production assistant. Nakikisabay ako sa professor ko na dating news reporter ng TV PATROL at ngayon board member sa Cavite. 6 a.m. ‘yung time ng show nila Bobby Yan (kung saan ako nag-P.A with my bff Ava). Aalis ako ng QC ng 8 a.m. Kelangan kong bumiyahe pabalik ng Cavite para pasukan naman ‘yung klase ko sa Perpetual ng 10 a.m. hanggang 2 p.m. Tapos mag-change costume na ako from being student to Jollibee crew ng 3 p.m. para magtrabaho naman hanggang closing.

Ganun kahirap ‘yung naranasan ko as working student, kaya na-over fatigue ako noon at sobrang payat ko talaga. Kaya nagpapasalamat ako sa Jollibee dahil dun nagsimula ‘yung mga pangarap ko. Doon ako unang nakaranas ng hirap ng pagtatrabaho sa fast food chain.

Nung bata pa ako akala ko ganun kadali ang maging crew sa fast-food pero mahirap talaga lalo na maraming galawan sa loob ng bawat station kaya hindi mo na rin masisilip ang gawa ng iba dahil may mas importante kang dapat tutukan.

Kahit na binabatikos ngayon ang Jollibee ng samu’t saring kontrobersiya ay mananatili akong loyal sa kanya at sa menu nito. Kahit anumang larangan ng trabaho o negosyo minsan mararanasan mo talaga ang sumablay pero hindi ibigsabihin, susukuan mo na. Kaya, Jollibee, stay humble lang, ikembot mo lang ‘yan gaya ng pagsayaw mo, lilipas din yan! Ikaw kaya ang BEEda ng aming saya! Jollibee lang sakalam! #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “TNRM: Ikaw ang BEEda ng aming Saya!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: