Banner Story COVID-19 PH

Digitize Vaccination Cards, madaliin na – Concepcion

Inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pag-digitalize ng vaccination cards para sa mabilis na pag-access nito sa mga establisimyento at sa domestic and foreign travel.

image: Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion III

Inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pag-digitalize ng vaccination cards para sa mabilis na pag-access nito sa mga establisimyento at sa domestic and foreign travel.

“Itong mga bakuna card dito sa LGU, okay naman ito. Pero eventually kailangan maging digital ito, at isang look para kung gamitin natin dito sa domestic at foreign travels ay madaling ma-verify kung fake or not,” saad ni Concepcion sa briefing nito sa Laging Handa.

Ayon kay Concepcion, ang pagsasagawa ng digitize vaccination cards ay dapat tutukan ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

“Pero sana madaliin natin ito kasi ang pinu-push ng private sector ay ang mga kumuha ng bakuna ang dapat mabigyan ng greater mobility,” ani Concepcion.

Pinaikli naman ang quarantine period para sa mga inbound travelers sa Pilipinas na fully vaccinated na laban sa COVID-19 mula sa dati nitong 14 day quarantine.

Ayon pa kay Concepcion na ito ay dapat isagawa rin para sa domestic travel.

“Pero dapat gawin natin ito eventually sa domestic travel, malaking bagay ito sa pagbukas ng economy. ‘Yung mga taong kumuha ng bakuna, wala nang PCR test kasi pagbiyahe nila sa tourist destinations, malaking savings din ‘yan,” ani Concepcion. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Digitize Vaccination Cards, madaliin na – Concepcion

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: