
Bunsod ng Southwest Monsoon at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) uulanin ang malaking bahagi ng bansa ngyaong araw, ayon sa PAGASA sa kanilang pag-uulat ngayong Lunes ng umaga.
Ang mga lugar na apektado ay ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Palawan, at Mindoro Provinces na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at kidlat sanhi ng amihan.
Posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sa kasagsagan ng pag-ulan.
Makararanas din ng makapal na kaulapan, pagkulot at pagkidlat sa ilang bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region bunsod ng ITCZ o habagat.
Sumikat ang araw kaninang 5:26 a.m at lulubog naman ito ng 6:24 p.m – #DM
0 comments on “Southwest Monsson at ITCZ, magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw – PAGASA”