
Wala pa ring matibay na ebidensya na magpapatunay na ang anti-parasitic drug Ivermectin ay nakatutulong labanan ang COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, June 7.
“As of the last, there’s still no strong evidence to support the use of ivermectin either as treatment or prophylaxis [against COVID-19],” saad ni Duque sa hearing nito sa House Committee on Good Government and Public Accountability.
May mangilan-ngilang mga grupo, indibidwal at lawmakers ang nagtutulak sa pag-inom ng ivermectin kontra COVID-19 kahit na sinabi pa ng Food and Drug Administration na kinakailangan pa ng mabusising pag-aaral upang matukoy kung gaano ito epektibo bilang gamot kontra virus.
Sinabi naman ng Merck [ang manufacturer ng Ivermectin] na walang siyentipikong basehan kung ito nga ba ay epektibong nakakagaling konta COVID-19.
Sakabilang banda, sinabi naman ni Dr. Allan Landrito, isa sa mga nagtutulak na gamitin ang naturang gamot na ito ay kapaki-pakinabang din inumin na panlaban sa iba pang mga viral diseases bukod sa prescription nito bilang anti-parasitic drug.
Aniya, kaniya ring pinanghawakan na ang ivermectin ay nakapag-reduce ng COVID-19 mortality rate sa 83%.
Samantala, sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo nitong Miyerkules na anim na ospital ang binigyan ng compassionate special permit (CSP) para gamitin ang ivermectin kontra COVID-19. #DM
0 comments on “Duque: Ivermectin drug wala pang matibay na ebidensya bilang gamot kontra COVID-19”