
Duterte, hindi kayang tapusin ang illegal drug sa bansa hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino

Aminado si Pangulong Rodrigo R. Duterte na hindi niya kayang tapusin ang pakikibaka kontra illegal drug sa pagtatapos ng kaniyang termino sa susunod na taon.
“I said I can solve the problem in six months,” saad ni Duterte sa kaniyang televised speech nitong Martes ng gabi na tinutukoy ang kaniyang kampanya noong 2016.
“Little did I know that I will be fighting my own government. My critics were correct.” dagdag pa ng Pangulo.
Libo-libo ang mga drug suspects ang namatay at pinatay sa kasagsagan ng police anti-drug operations. Karamihan dito ay allegedly shot and killed matapos na sila ay arestuhin.
Aniya ng Pangulo, napag-alaman lamang niya ng manungkulan ang kaniyang matalik na kaibigan na ngayon ay Senador Ronald M. de la Rosa, na karamihan sa hanay ng kapulisan ay sangkot din sa pagbebenta at paggamit ng droga.
Ayon sa pagtatala ng World Organization Against Torture na mahigit 122 kabataan ang napatay sa kasagsagan ng pakikipaglaban sa deadly drug war ng gobyerno noong July 2016 at December 2019.
Samu’t saring petition ang inapila ng iba’t ibang organisyon sa bansa bago pa man akusahan si Pangulong Duterte at ang kaniyang mga opisyal sa diumano’y mass murder ng International Criminal Court. #DM