
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, kulog at pagkidlat sa Palawan, Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan dulot ng monsoon trough, ayon sa PAGASA ngayong Huwebes.
Sa weather advisory ng PAGASA kaninang 3:30 p.m ng hapon, makararanas ang malaking bahagi ng Luzon ng malakas at katamtamang pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin na mararanasan din sa Metro Manila, Bataan, at Batangas sa loob ng susunod na dalawang oras. Maging ang Laguna, Rizal, Zambales, Nueva Ecija, Bulacan, Quezon, Cavite, Tarlac, at Pampanga.
Pinapaalalahanan naman ng PAGASA ang lahat na mag-ingat sa inaasahang pagbaha at landslides sa mga mababang lugar. #DM
0 comments on “Moonson, maydalang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon – PAGASA”