
Maaari nang ibaba sa tinatawag na “ordinary” general community quarantine ang Metro Manila at apat na katabing probinsya sa susunod na Linggo bunsod ng pagbaba ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19, ayon sa Malacañang nitong Huwebes.
Sinabi ni Palace Spokesman Harry Roque Jr. na nagkaroon ng improvement sa National Capital Region (NCR) Plus, at ang “low” hospital care utilization rate.
Ang NCR Plus at karatig probinysa ng Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with restrictions” hanggang sa June 15.
“For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation,” saad ni Roque sa virtual press briefing nito.
“So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at a deescalation. It might not be to MGCQ [modified GCQ] but it could be ordinary GCQ because ang GCQ natin ngayon ay meron pang mga restrictions (our GCQ right now has restrictions),” dagdag pa ni Roque.
Mula ng Marso hanggang kalagitnaan ng buwan ng Mayo, ang Metro Manila at ang apat na kalapit probinsya ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) bunsod ng pagtaas ng kaso ng virus sa mahigit na 200,000 active COVID-19 cases at one point.
Samantala, maigting na binabantayan ng pamahalaan ang labing tatlong areas kasama ang hometown ni Pangulong Duterte sa Davao City, na nasailalim naman ng MECQ.
Sakabila nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at karatig probinsya, ikinababahala naman ng pamahalaan ang urgency o pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa virus sa bahagi ng Visayas at Mindanao Region. #DM
0 comments on ““Ordinary” GCQ sa NCR Plus, posible sa susunod na linggo – Malacañang”