COVID-19 PH NEWS

“Ordinary” GCQ sa NCR Plus, posible sa susunod na linggo – Malacañang

Maaari nang ibaba sa tinatawag na "ordinary" general community quarantine ang Metro Manila at apat na katabing probinsya sa susunod na Linggo bunsod ng pagbaba ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19, ayon sa Malacañang nitong Huwebes.

Maaari nang ibaba sa tinatawag na “ordinary” general community quarantine ang Metro Manila at apat na katabing probinsya sa susunod na Linggo bunsod ng pagbaba ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19, ayon sa Malacañang nitong Huwebes.

Sinabi ni Palace Spokesman Harry Roque Jr. na nagkaroon ng improvement sa National Capital Region (NCR) Plus, at ang “low” hospital care utilization rate.

Ang NCR Plus at karatig probinysa ng Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with restrictions” hanggang sa June 15.

“For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation,” saad ni Roque sa virtual press briefing nito.

“So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at a deescalation. It might not be to MGCQ [modified GCQ] but it could be ordinary GCQ because ang GCQ natin ngayon ay meron pang mga restrictions (our GCQ right now has restrictions),” dagdag pa ni Roque.

Mula ng Marso hanggang kalagitnaan ng buwan ng Mayo, ang Metro Manila at ang apat na kalapit probinsya ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) bunsod ng pagtaas ng kaso ng virus sa mahigit na 200,000 active COVID-19 cases at one point.

Samantala, maigting na binabantayan ng pamahalaan ang labing tatlong areas kasama ang hometown ni Pangulong Duterte sa Davao City, na nasailalim naman ng MECQ.

Sakabila nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at karatig probinsya, ikinababahala naman ng pamahalaan ang urgency o pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa virus sa bahagi ng Visayas at Mindanao Region. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““Ordinary” GCQ sa NCR Plus, posible sa susunod na linggo – Malacañang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: