Banner Story NEWS

“United for 2022” ilulunsad sa Araw ng Kalayaan

Mismo sa Araw ng Kalayaan ay ilulunsad ng mga taga-suporta ni Bise Presidente Leni Robredo ang "United for 2022" para sa preparasyon sa darating na Halalan 2022.

Mismo sa Araw ng Kalayaan ay ilulunsad ng mga taga-suporta ni Bise Presidente Leni Robredo ang “United for 2022” para sa preparasyon sa darating na Halalan 2022.

Ito ay gagawing online event na sasabay sa opposition coalition na 1Sambayanan sa pag-anunsyo ng huling listahan ng mga kandidato para sa pagka-pangulo. Inaasahan na isa mga nominado si Robredo.

“Sa ating event, ilalatag ng mga kapwa-volunteer natin ang mga adhikain at adbokasiya ng ating samahan,” ayon sa kanilang ipinoste sa Facebook page nila.

Magpapasiklab din ang mga artista at banda, gaya ng Moonstar88, Banda ni Kleggy, Gracenote, Audie Gemora, Juris, 6Cyclemind, Louie Ocampo’s all-star cast at Bituin Escalante.

“Tayo na’t itaguyod ang isang kilusang kakampi ng mga ordinaryong Pilipino, magbibigay ng pag-asa, at magtutulak ng pagkakaisa para sa paghilom ng ating bansa” ayon pa sa grupo.

Dadalo sa naturang online event ang lead convenor ng Kaya Natin! Movement na si Harvey Keh na malapit na kaibigan din ng mga Robredo.

“I’m supporting VP whatever she decides—President or gov(ernor),” aniya.

Si Miss Trans Global 2020 Mela Habijan ang magsisilbing event host ng naturang online event sa darating na Sabado. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““United for 2022” ilulunsad sa Araw ng Kalayaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: