Isko Moreno, gaganap bilang Andres Bonifacio

Read Time:53 Second

[by Athena Yap]

Matapos ang masusing pag-aaral kung sino nga ba ang swak na mapipiling gumanap bilang Andres Bonifacio, inanunsyo ngayong araw ng kalayaan ang final na desisyon kung sino ang gaganap bilang Andres Bonifacio sa gagawing historical film ng Regal Entertainment.

‘Yan ay walang iba kung di ang nag-iisang Yorme ng Maynila, Isko Moreno.

Full excitement pang ibinahagi ng Regal Producer na si Dondon Monteverde sa kaniyang Facebook na si Yorme nga ang kanilang napili para sa nasabing karakter.

Ayon kay Monteverde, marami pagkakatulad sina Andres at Isko na siyang nakatulong para magdesisyon ang Regal na si Yorme ang piliin. Ilan sa mga pagkakatulad nila ay—lumaki si Isko at Andres sa Tondo, Manila, gayundin si Bonifacio; parehas silang theater actor at higit sa lahat ay may pagkakahawig umano ang dalawa.

Ibinilang na rin nila sa punto na si Isko ang tumatayong ama ngayon ng Maynila, habang si Andres Bonifacio naman ay ama ng Katipunan.

Pinamagatan ang historical film na “Maypagasa.”

Nalalapit na rin umano ang pag-shoot para sa nasabing pelikula. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Karagdagang health workers kinakailangan – Duque
Next post Vilma Santos-Recto, walang planong tumakbo para sa 2022 National Elections
%d bloggers like this: