BREAKING GLOBAL NATIONAL NEWS

ICC vs. “War On Drugs” ni Dutere, iimbestigahan na

PORMAL nang humingi ng judicial authorization sa International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber (PTC) si out-going International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda para imbestigahan ang mga pagpatay na nangyari sa Pilipinas sa "war on drugs" campaign ng administrasying Duterte.

PORMAL nang humingi ng judicial authorization sa International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber (PTC) si out-going International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda para imbestigahan ang mga pagpatay na nangyari sa Pilipinas sa “war on drugs” campaign ng administrasying Duterte.

“Today, I announce that the preliminary examination into the situation in the Republic of the Philippines (“the Philippines”) has concluded and that I have requested judicial authorization to proceed with an investigation,” pahayag ni Bensouda na inilabas ng ICC, June 14.

Aniya, matapos ang isinagawang preliminary examination, natukoy niya na may basehan ang mga inihaing alegasyon sa “war on drugs” ni Duterte mula July 01, 2016 hanggang March 16, 2019.

Sa inihaing request ni Bensouda sa PTC, sinasabing ang mga impormasyon umanong nakalap ng prosekusyon ay tumuturo sa mga alagad ng estado, partikular ang mga miyembro ng “Philippine security forces” na umano’y pumatay sa libu-libong suspek sa ilegal na droga at iba pang usapin na may ugnayan sa naturang operasyon kontra ilegal na droga.

Pagpapatibay pa ni Bensouda na ang extrajudicial kilings ay may basbas ng gobyerno.

“Police and other government officials planned, ordered, and sometimes directly perpetrated extrajudicial killings. They paid police officers and vigilantes bounties for extrajudicial killings. State officials at the highest levels of government also spoke publicly and repeatedly in support of extrajudicial killings, and created a culture of impunity for those who committed them.” pahayag pa ni Bensouda.

Isinama rin ni Bensouda sa kanyang request ang pag-imbestiga sa mga kaganapang insidente sa Davao mula 2011 kung saan sangkot din ang mga parehong personalidad sa umano’y mga katulad ding krimen na magpahanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na kasagutan ukol sa mga usaping ito. #DM

Advertisement

0 comments on “ICC vs. “War On Drugs” ni Dutere, iimbestigahan na

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: