COVID-19 PH NATIONAL NEWS

Face shields, hindi na kailangang gamitin sa labas ayon sa DOH

Maari nang hindi gumamit ng face shield paglalabas ng bahay dahil sa maliit na tiyansa lamang ng hawaan ng panganib ng COVID-19 sa labas, ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega ngayong Miyerkules.

Maari nang hindi gumamit ng face shield paglalabas ng bahay dahil sa maliit na tiyansa lamang ng hawaan ng panganib ng COVID-19 sa labas, ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega ngayong Miyerkules.

“‘Yung face shields, kakailanganin naman talaga ‘yan ‘pag nasa indoor ka, nasa mall ka, or ‘pag may interaction ka face to face inside,” saad ni Vega sa briefing ng Laging Handa.

Maging ang mga manggagawang nasa labas na nagtatrabaho ay pinapayagan na ring hindi magsuot ng face shields habang nasa duty. Aniya, malaking abala kasi ang pagsuot ng face shield para sa mga outdoor workers dahil sa humaharang sa face shields ang moisture o pagpapawis nito.

“Pero ‘pag nasa outside naman, kasi alam naman natin ang risk of transmission is very low, at lalong lalo na kapag naglalakad ka lang sa kalye o kaya nagtatrabaho ka, kasi makaka-affect ‘yung moist nito so puwede niyo tanggalin ‘yan,” dagdag ni Vega.

Kamakailan ay napabalita na nagbigay pahayag si Mayor Isko Moreno na alisin na ang paggamit ng face shield kung nasa labas lang naman din at walang mahalagang pupuntahan. Aniya, tanging ang mga ospital at mga indibidwal na magagawi sa mga mall ang magsusuot nito. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Face shields, hindi na kailangang gamitin sa labas ayon sa DOH

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: