Kathniel Pre-Nup photos ng fan, viral sa social media
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Benta ngayon sa mga netizen ang “Kathniel Inspired” pre-nup photos ng mag-nobya na Richard Tapay at Christine Chatto.
Maraming fan ng Kathniel ang namangha sa effort na ginawa ng mag-nobya.
Makikita sa invitation na nakalagay ay “She’s Marrying The Gangster” na hango sa pelikula ng nasabing love team na “She’s Dating The Gangster.”
Maging ang pre-nup video nila ay gayang-gaya ang pinaghalong mga pelikula nila Kathryn at Daniel. Nire-enact pa ng dalawa ang ilan sa mga eksena sa pelikula gaya ng first meet sa SDTG at drama scene ng “The Hows Of Us”
Sa katunayan, umabot na ng libu-libong likes, shares at interaction ang naturang post ni Chatto.
Marami na’ng fans na nag-tag mismo kay Kathryn at Daniel sa pakulo ng viral couple.
Inaabangan nalang ngayon ano kaya ang magiging reaksyon ng Kathniel. #DM
You must be logged in to post a comment.