ESPESYAL Trending Now

“Walang Edad ang Edukasyon,” 62 anyos na lola, graduate ng junior high school sa ALS

Napakasarap sa pakiramdam ang makatapos tayo ng pag-aaral at makahanap ng magandang oportunidad para maiangat naman natin ang ating pamumuhay. Pinatuyan ni nanay Josephine Amante Villatema, 62 anyos na walang pinipiling edad ang makatapos ng pag-aaral sakabila ng pagiging senior citizen.

Napakasarap sa pakiramdam ang makatapos tayo ng pag-aaral at makahanap ng magandang oportunidad para maiangat naman natin ang ating pamumuhay.

image: Nanay Josephine Amante Villatema, 62

Pinatuyan ni nanay Josephine Amante Villatema, 62 anyos na walang pinipiling edad ang makatapos ng pag-aaral sakabila nang pagiging senior citizen.

Nakatapos si nanay Josephine ng junior high school mula sa Alternative Learning System (ALS) na ipinagkakaloob sa mga hindi nakatapos ng pag-aaral.

Buong ipinagmamalaki siya ng kanyang pamilya at mga kamag-anak sa kanilang lugar sa Norzagaray Bulacan.

Nagtrending si nanay Josephine matapos ishare sa social media ang graduation photos niya na may caption ng isang photographer na si Glenn Mendoza.

“Walang edad ang edukasyon,” ayon sa post ni Mendoza na umani naman ng mahigit 57,000 likes at 45,000 shares sa Facebook.

Sa naging panayam naman ng PhilSTAR L!fe kay nanay Josephine, ibinahagi nito na wala ring pinagkaiba ang hirap na kanyang naransan sa pag-aaral lalo na siya ay isang senior at nag-aalaga pa ng anim na apo.

“Nahiya din ako kasi ‘yung mga kaklase ko, puro mga bata, puro mga teenager, ako lang pinaka matanda sa lahat. Pero mabait sila, ginagalang nila ako,” saad ni nanay Josephine.

Ibinahagi naman ni Ms. Shiela Flores Castillo, ang adviser ni nanay Josephine na napaka matiyaga at masipag si nanay Josephine habang ito ay nag-aaral sa ALS. Tinanong ng kanyang guro si nanay Josephine na bakit gusto nito ipagpatuloy muli ang naunsyaming pag-aaral ng matanda sakabila ng kanyang katandaan, agad naman itong sinagot ni nanay Josephine na nais niyang ipagpatuloy ang kaniyang mga pangarap.

“Gusto kong maabot mga pangarap ko na magkaroon ng diploma kahit may edad na at kapag umabot man sa punto na malapit na akong mawala, masasabi kong naabot ko ang mga pangarap ko at maipagmamalaki ako ng mga anak ko,” ani nanay Josephine.

Sinabi ni Ms. Shiela na si nanay Josephine ay isang inspirasyon ng mga kabataan ngayon na nag-aaral din ng ALS.

Aniya, isa rin sa nagpapahirap kay nanay Josephine ay ang kakulangan ng pinansyal ngunit hindi ito dahilan para siya ay huminto. Ginawa niya itong motivation para magpursigi sa buhay at magtiya sa pag-aaral niya para sa pangarap na nais niyang makamit. Ang pangarap din na makapag-aral ng culinary arts.

Para raw makamit ang tagumpay na kaniyang inaasam, sisikapin niyang magtungo sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mag-enroll ng kursong culinary arts.

Samantala, isang mensahe naman ang iniwan ni nanay Josephine para sa lahat ng mga mag-aaral at sa kagaya niyang hindi humihintong makamit ang kanilang mga pangarap.

“Sa lahat ng mga tao, wala sa edad kung gusto mo talaga mag-aral para makapag-tapos ka. Ang pinag-aralan mo, walang makakaagaw niyan sa’yo kaya naman importante ang edukasyon sa isang tao at sa bawat Pilipino,” pagtatapos ni nanay Josephine.

Magaganap ang class graduation ceremony ni nanay Josephine at ang kanyang mga kaklase sa July 2021. Mabuhay ka, Nanay Josephine! #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““Walang Edad ang Edukasyon,” 62 anyos na lola, graduate ng junior high school sa ALS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: