ESPESYAL Trending Now

Pedicab Driver sa Rosario, Cavite na putol ang kaliwang paa, agaw pansin sa mga pasahero

Agaw pansin sa mga pasahero ang isang pedicab driver dahil sa kabila ng kalagayan nitong putol ang kaliwang paa ay nakukuha pa niyang makapag-pedal ng pedicab.

[ni Sid Luna Samaniego]

kuha ni Sid Luna Samaniego

Agaw pansin sa mga pasahero ang isang pedicab driver dahil sa kabila ng kalagayan nitong putol ang kaliwang paa ay nakukuha pa niyang makapag-pedal ng pedicab.

Kinilala ang pedicab driver na putol ang kaliwang paa na si Tatay Zosimo Cabuong, 35, hiwalay sa asawa at may 1 anak na anim na taong gulang na lalaki.

Mas kilala siya sa katawagang “Tepart”. Si Tepart ay masipag at punong-puno ng motibasyon at inspirasyon sa buhay. Kulang man ang kanyang kaliwang paa ay daig pa niya ang kumpletong pangangatawan dahil sa sipag nitong pagpadyak ng kanyang pedicab.

Isang aksidente ang nangyari noong Oct 29, 2014 sa Quezon City. Pahinante sa trak ng basura ang trabaho noon ni Tepart. Sa hindi inaasahang pangyayari, naipit ang kanyang kaliwang paa sa hydrolic garbage track na naging dahilan ng pagkaputol nito.

Iniyakan niya ng husto ang pangyayari. Hindi pwedeng isuko ang hamon ng buhay. Lumaban siya at ipinagpatuloy na harapin ang bawat pagsubok. Lumipas ang panahon. Umpisa na ng ikalawang yugto ng kanyang buhay.

Taong 2015, pinasok niya ang paglilinis ng jeep na pangbyahe ng isda sa kabila ng kanyang kapansanan. Kumikita sya ng 120 pesos bawat jeep na kanyang malilinis. Kasunod nito ang pagbyahe naman niya ng pedicab.

Hindi isang ordinaryong pedicab driver si Tepart na tunay na kabibiliban ang kanyang determinasyon na kumita ng pera upang ipangtustos sa kanyang Lola Ligaya, 86 anyos, na ngayon ay nakahiga na lamang at may sakit. Kasama ang tiyuhing si Jaime na kamakailan lamang ay nai-stroke naman.

Sa sitwasyon ng kanyang Lola Ligaya at Tiyuhing si Jaime ay kailangan pa muna itong alagaan para gumaling. At ang sarili ay sa huli na lamang… Mangarap at manalangin sa Poong Maykapal.

Malayo-layo pa ang pagpadyak na tatahakin ni Tepart upang makamit ang tagumpay na kanyang inaasam-asam. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Pedicab Driver sa Rosario, Cavite na putol ang kaliwang paa, agaw pansin sa mga pasahero

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: