NEWS Photo News PROVINCIAL

Local media bumilib kay Mayor Marop Ampatuan at sa lahat ng mga opisyal ng LGU-Shariff Aguak sa pagsunod nila sa mga proseso bago mabakunahan

KORONADAL CITY --- Bumilib ang mga print at broadcast journalist kay Mayor Marop Ampatuan sa lahat ng mga opisyal ng LGU-Shariff Aguak sa probinsya ng Maguindanao dahil pumila at sumunod sila sa mga proseso bago mabakunahan.

[by RASHID RH. BAJO with reports from ABDUL CAMPUA/Photo credit to Jocris Barroga]

KORONADAL CITY — Bumilib ang mga print at broadcast journalist kay Mayor Marop Ampatuan sa lahat ng mga opisyal ng LGU-Shariff Aguak sa probinsya ng Maguindanao dahil pumila at sumunod sila sa mga proseso bago mabakunahan.

Noong umaga ng June 1, 2021, dumagsa ang ilang mga media (sa printa at radyo) upang ma-cover ang vaccination program ng nasabing munisipyo na idinaos sa covered court nito na mga ilang metro lamang ang layo mula sa police station at municipal hall ng nasabing bayan.

Sa loob ng covered court, makikita ang anim (6) na “stages” na kailangang daanan ng isang “vaccine beneficiary” bago ito bakunahan. Tinantya ng mga media na halos aabot ng mahigit isang oras bago matapos ang nasabing mga proseso.

Kung nasa hulihan ka nakaupo, kailangan mo talagang maghintay ng iyong turno na makarating sa “first stage” hanggang sa “second, third, fourth at fifth” na mga stages. Ang huling stage ay ang vaccination proper (or ang pagturok na sayo ng bakuna.

Ayon kay Jocris Barroga, publisher ng Life Camera News na may sirkulasyon sa mga probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao, humanga ito sa ginawa ni Mayor Ampatuan ng dumating ito sa coverd court.

“Hindi siya nagpa-special treatment. Pumila at naghintay talaga siya tulad ng ordinaryong-residente. Dinaanan talaga nito ang lahat ng mga stage bago ito nabakunahan,” sabi ni Barroga sa interbyu sa kanya.

Ayon naman kay Abdul Campua, publisher ng AL SUARA NEWS, hindi na ito nagulat dahil ugali na talaga ni Mayor Ampatuan ang sumunod sa proseso kahit pa na alkalde ito.

“Mabait na mayor yan si Marop. May respeto at marunong magpahalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakopan, lalo na sa mga ordinaryong-tao. Naniniwala kasi si Mayor Ampatuan na kahit siya ang alkalde ng kanilang bayan, kailangan pa rin nitong pumila tulad ng ordinaryong-tao,” giit ni Campua.

Ang ibang mga media na nag-cover din sa nasabing programa ay nagpahayag din ng katulad na obserbasyon tungkol sa pagsunod ni Mayor Ampatuan sa mga proseso bago mabakunahan.

Pinuri din nila ang lahat ng mga opisyal ng Shariff Aguak na sumunod din sa ginawa ni Mayor Ampatuan.

Sa ambush interview sa kanya mga ilang minuto matapos mabakunahan, tinanong reporter ng SAPOL Daily News si Mayor Ampatuan kung ano ang kanyang naramdaman matapos turukan ng bakuna.

“Wala man akong naramdaman. Parang natural lang,” sabi ni Mayor Ampatuan.

Sunod na tinanong sa kanya kung ano ang kanyang panawagan (or mensahe) sa kanyang mga kababayan na nagdududa at nagdadalawang-isip na magpabakuna.

“Huwag po kayong matakot at wala kayong dapat ikatakot sa bakuna. Ang bakuna po ay para proteksyon natin laban sa COVID-19 na sakit,” sabi ni Mayor Ampatuan.  

Umapela ito sa ibang mga residente na sunggaban na ang oportunidad na libreng bakuna mula sa gobyerno. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Local media bumilib kay Mayor Marop Ampatuan at sa lahat ng mga opisyal ng LGU-Shariff Aguak sa pagsunod nila sa mga proseso bago mabakunahan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: