[by Abdul Campua/Elsie Campua/Photos credit to LGU – Surallah]


SURALLAH, South Cotabato –– Kinonsidera nila Mayor Antonio Bendita at Vice Mayor Pinky Divinagracia ng bayan na ito na bagong mga mukha ng kabayanihan ang lahat ng mga tao na naglilingkod ng kusa sa gitna ng panganib na hatid ng pandemya na dulot ng nakakamatay na COVID-19.
Para sa dalawang opisyal, “kayo ang mga bagong bayani.”
Hinikayat nila Mayor Bendita at Vice Mayor Divinagracia ang mga tao na “nagbibigay–serbisyo na walang hinihinging kapalit” na ipagpatuloy ang ginagawa nilang kabayanihan hanggang sa makamit ng bayan ang “paghilom.”
Ginawa ng dalawang opisyal ang pagkonsidera sa mga taong nagsisilbi na walang kapalit bilang bagong mga bayani sa gitna ng idinaos na selebrasyon ng ika-123rd Independence Day ng Pilipinas.
Ang tema ng nasabing selebrasyon ay “Diwa ng Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan.”
Pinangunahan nila Mayor Bendita at Vice Mayor Divinagracia ang pag-alay ng mga bulaklak sa monumento ng pambansang bayani na si Jose Rizal.
Pinasalamatan din ng dalawang opisyal ang lahat ng mga tao sa pagsunod sa lahat ng “health and safety protocols” laban sa COVID-19.
Para sa dalawang opisyal, ang pagsunod sa mga ipinapatupad na mga polisiya ay akto ng isang bayani dahil ang bayani ay nagpapahalaga sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.
Dumalo rin sa nasabing selebrasyon ang lahat na mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB), mga department head ng munisipyo, PNP, BFP at ang tropa ng 12th Special Forces Company. #DM
0 comments on “Mayor Bendita, VM Divinagracia pinangunahan ang selebrasyon ng 123rd Independence Day sa bayan ng Surallah”