
Nababahala ang medical community sa Bicol Region sakabila nang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon at sa kakulangan ng hospital beds, ayon kay Bise Presidente Leni Robredo nitong Linggo, June 20.
“‘Yung problema sa Bicol kaya may anxiety ang medical groups kasi kaunti ang aming hospital beds, kumpara sa Metro Manila, kumpara sa Cebu , kumpara sa Davao,” saad ni Robredo sa kanyang radio program.
Sinabi naman ng ilang doctors sa naturang probinsya na magtakda sana ang kanilang lokal na pamahalaan ng istriktong lockdown upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at hindi matulad sa nangyari sa India.
Nagbigay pahayag si Albay Governor Al Francis Bichara na extended ang general community quarantine sa buong probinsya, maliban sa munisipalidad ng Jovellar at Rapu-Rapu hanggang June 30.
Nasa ilalim naman ng general community quarantine (GCQ) ang Legazpi City.
Nakahanda namang tumugon si VP Leni sa mga kinakailangan tulong sa kanilang probinsya. #DM
0 comments on “Pagtaas ng COVID-19 cases at kakulangan ng hospital beds sa Bicol region, pinangangambahan”