Jeepney Driver sa Tagaytay, inatake sa puso; mga pasahero ligtas na nakababa
Hanggang sa huling hininga inisip ng isang Jeepney Driver ang kaligtasan ng kanyang mga pasahero habang inaatake sa puso si manong driver sa Tagaytay City.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!“Bigla kami itinigil ni manong driver sa harap ng Tagaytay Supreme Court at sinabing, Hindi ko na Kaya!Napaiyak ako! At that time naisip ko Lord tulungan mo si Tatay makauwi pa ng buhay sa family nya!At salamat Lord buhay pa kami at safe na nakababa! Salamat Tatay! May God bless you!” ayon sa isang pasahero na tumulong sa Jeepney Driver.
Aniya, inatake sa puso ang jeepney driver sa kahabaan ng Mahogany avenue sa Tagaytay City.
Ayon sa mga sakay ng jeep kahit inatake ay dahan-dahang itinigil ng jeepney driver ang pinapasada nitong jeep upang maging ligtas ang mga sakay.
Agad naman tumulong ang ibang kapwa driver para maligtas ang driver sa pagkaka-atake sa puso. Ngunit sa kasamaang palad ay binawian na ng buhay si manong Driver.
Kinilala ang ngalan ni manong Driver bilang si Tatay Pepe ayon sa nag upload ng mga larawang ito. #DM
You must be logged in to post a comment.