Juan Miguel Severo inakusahan ng sexual harassment
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Pinulutan sa social media ang spoken poetry artist na si Juan Miguel Severo.
Nag-ugat iyan sa post ng aktor na si Paolo Pangilinan. Hindi man pinangalanan sa Twitter kung sino ang tinunutukoy na umano’y nang-harass, si Juan Miguel ang tinuturo ng karamihan.
Kasunod niyan ay naglabas ng opisyal na pahayag ang fan club ni Juan Miguel na “Pechay at Payong” na anila’y ang mga miyembro ng kanilang grupo ay hindi pumapayag sa anumang uri ng harassment at tumanggi na ipagpapatuloy nila ang pagsuporta sa sinasabing gumawa nito.
Maraming hindi makapaniwala at labis na dismayado sa kanilang iniidolo.
Gayunpaman, marami pa rin ang umaasa na maaaring walang katotohanan ang inaakusa kay Juan Miguel ngunit wala pang pahayag mismo galing kay Severo at nag deactivate din siya sa Twitter. #DM
You must be logged in to post a comment.