NATIONAL NEWS

Isang FB Account kada tao laban sa mapanirang Troll Farms – Bayan Muna

Iminungkahi ni Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite ang paglimita ng gamit ng Facebook accounts, isang Facebook account lamang kada indibidwal para maprotektahan ang data privacy issues.

[by RBM]

Iminungkahi ni Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite ang paglimita ng gamit ng Facebook accounts, isang Facebook account lamang kada indibidwal para maprotektahan ang data privacy issues.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gaite na mahihirapan ang mga otoridad na mag-implementa ng restriction “without violating the data privacy” sa bawat social media users.

“Facebook already tracks and restricts accounts engaged in coordinated inauthentic behavior or troll operations as we’ve seen in the take down of several accounts linked to the security sector and those based in China meddling in our local politics,” saad ni Gaite.

Aniya, dapat tutukan ng Facebook ang pagpapatigil sa mga troll farms na pinupondohan ng gobyerno.

Itinanggi naman ng Malacañang na walang kaugnayan ang gobyerno sa opersayon ng troll farms.

“These troll farms which are being secretly operated and funded through our taxes clearly violate laws and should be stopped,” saad ni Gaite.

“Sa halip na pagdiskitahan ang publiko, tutukan dapat ang pagsawata sa troll farms ng rehimeng Duterte na ginagamit nito sa pag-atake sa ating demokrasya,” dagdag pa ni Gaite.

Matatandaan na sinambit ni Sen. Panfilo Lacson tungkol sa isang undersecretary na nag-organisa ng dalawang troll farms upang siraan ang mga kritiko ng pamahalaan at ang mga posibleng kandidato na tatakbo sa 2022 Eleksyon laban sa administrasyong Duterte. #DM

Advertisement

0 comments on “Isang FB Account kada tao laban sa mapanirang Troll Farms – Bayan Muna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: