fbpx
Thursday, April 25, 2024
Maglaan ng budget para sa Agri farms hindi sa Troll farms – Pangilinan

Maglaan ng budget para sa Agri farms hindi sa Troll farms – Pangilinan

0 0
Read Time:1 Minute, 34 Second
image: rappler

Naalarma ang ilang mga senador sa pag-usbong ng mga troll farms na maaring magamit para magkalat ng fake news patungkol sa paninirang puri at pag-atake sa mga politiko na tatakbo sa darating na Eleksyon 2022, ayon kay Sen. Francis Pangilinan.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

“Imbes na troll farm ang kanilang ginagastusan, dapat yung agricultural farms, itong poultry farms, piggery, livestock, vegetable, rice. Yun ang gastusan natin dahil yun ang tulong na kailangan ng ating mga kababayan,” saad ni Pangilinan sa isang interbyu.

Aniya, kinokonsider ni Pangilinan na siya ay tatakbong muli sa pagka senador sa nalalapit na halalan 2022 at umaasa na maipagpatuloy niyang maipanalo ang karapatan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa. Sinabi rin niya na ang mga fake news at online trolling ay dapat matalakay nang mas maaga sa paghahanda sa darating na halalan.

Napag-alaman din ang isang pag-aaral sa University of the Philippines College of Mass Communication na naging prone ang mga kandidato noong 2009 elections na mabiktima ng trolling at fake news online.

“Hindi rin biro, kapag lumabas sa social media yung paninira, yung red-tagging, kamatayan iyong kasunod nun e. Lalo na kapag paulit-ulit. People are killed,” ani Pangilinan.

Umapela si Pangilinan sa publiko na maging maingat sa pagtanggap o pagbabasa ng mga balita online.

“Yung paninira na ginagastusan nang napakalaking halaga ay totoo at nangyayari. Kaya tayo bilang mga mamamayan, kinakailangan maging mapagbantay. Huwag basta-basta magpapaniwala,” dagdag pa ni Pangilinan.

Ang troll farms ay isang organisadong grupo kung saan ay samu’t saring mga fake news at fake accounts ang ginagamit ng mga gumagawa nito. Lalo pa’t nalalapit na ang botohan kung saan ay iba na ang estilo ng mga mapanirang troll farms na ito na laganap sa social media at pwede ring mabayaran sila ng cashless via online payment transaction.

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

BALITA Banner Story National

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading