Editoryal

Tahimik na Laban ni PNoy

Nagluluksa ang buong sambayanan sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno "NoyNoy" Aquino III, ngayong araw, June 24.

Nagluluksa ang buong sambayanan sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “NoyNoy” Aquino III, ngayong araw, June 24.

Marami ang nakisimpatiya sa biglang pamamaalam ni NoyNoy o mas kilala sa tawag na “PNoy.” Isang mabuti, simpleng tao at mambabatas. Ito ang ilang pahayag ng mga nakakakilala sa kaniya.

Mula nang bumaba sa panunungkulan si PNoy ay namuhay na ito ng simple at tahimik. Hindi kailanman ininda ang mga paratang o akusasyon laban sa dating Pangulo. Minsan, naitanong ng isa sa kaniyang mga kapatid na magsalita’t lumaban sa mga akusasyong ibinabato sa kanya na ang tanging tugon lamang ni PNoy, “Okay ako, nakakatulog pa ako.”

Binabatikos ng samu’t saring paratang na kaniyang hinaharap at hindi man lamang nagalit sa mga bumabatikos sa kaniya. Nananaig pa rin ang kaniyang kabutihan at pag-unawa sa lahat ng mga sarado ang pag-iisip sa mga ipinupukol sa dating pangulo.

Ipinagtanggol ni PNoy ang pagharap sa China sa pang-aagaw ng mga ito sa West Philippine Sea na kanyang napagtagumpayan ang soberanya ng Pilipinas. Hinarap ang isyung korapsyon sa bansa. Humarap sa mga matitinding krisis gaya ng unang taon ng kaniyang panunungkulan kung saan naganap ang hostage taking sa Rizal Park sa Maynila noong 2010, ang mga dalubyong dumating sa bansa gaya ng Yolanda at iba pa. Ngunit ito ay hinarap niya ng matapang at tahimik lamang.

Ininsulto, binansagan ng kung ano-ano, ipinahiya ng sobra-sobra. Ngunit hindi ito alintana ni PNoy. Sapagkat, alam niya na malinis ang kaniyang hangarin para sa lahat.

Nabigla ang lahat sa pagpanaw ni PNoy dahil hindi kailanman isinapubliko ni PNoy ang kaniyang mga nararamdamang sakit sa katawan mula ng ito ay bumaba sa kaniyang panunungkulan. Diabetic, sakit sa bato, at iba pang sakit na hindi na niya alintana pa na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi.

Ngayon, nakikita ng karamihan ang kaniyang kabutihan. Malasakit na hindi kailanman ipinagdamot. Pagmamahal na kaniyang ibinigay sa bansa at sa mga Pilipinong nagtitiwala at bumabatikos sa kanya. At ang pagiging simpleng tao nito na hindi kailanman nabakas ang anumang yabang sa kanyang pagkatao.

Wala man sariling pamilya, ngunit ipinakasal niya ang kaniyang sarili para sa bansang nangangailangan ng pagtugon at handang makinig sa hinanaing ng lahat. Tayo ang naging boss ni PNoy sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Siya ang pinaka-cool na Pangulo na may paninindigan. Marapat lamang na kilalanin ang kaniyang panunungkulan sa mga nagampanan nito sa bansa.

Kaya naman, maraming salamat PNoy, sa pagiging matapat mo sa bayan, respeto na iyong ipinamalas ay dapat lamang kilalanin ng lahat. Isa ka sa may respetong politiko, may integridad at tapang na patas na kailanman hindi mapapantayan ninuman. Job well done, PNoy! Ikaw ang tunay na Boss ng sambayanang Pilipino. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Tahimik na Laban ni PNoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: