
MANILA, Philippines — Umaasa si Manila Mayor Isko Moreno na makamit ang herd immunity sa kanyang lungsod sa taon na ito matapos na matanggap ang 400,000 doses ng Sinovac CoronaVac vaccines na binili ng lokal na pamahalaan.
Kasama ni Isko sina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr., at Vice Mayor Honey Lacuna sa pagsalubong sa pagdating ng 2 million Sinovac sa Ninoy Aquino International Airport kahapon.
Nasa 400,000 vaccine doses ang binili ng Manila city government sa halagang P298.5 million. Ang matitira ay para sa national government.
Ang karagdagang bakuna ay sasapat para sa 200,000 residente ng Maynila ayon kay Isko.
Lubos na inaasahan ni Isko na mapagtatagumpayan nito ang proteksyon para kanyang mga kababayan bago mag-Setiyembre.
Aniya, ang pagdating ng mga bakuna ay sumakto sa kanilang pagdiriwang sa ika 450th founding anniversary na ginanap din kahapon.
Nasa 41% percent na ang nabakunahan sa kanilang lungsod sa mahigit 800,000 targeted population nito.
Handa na ring tumanggap ng mga pasyenteng may mild and moderate COVID-19 cases sa itinayong modular containers na may 336-bed hospital. #DM
0 comments on “400,000 Sinovac para sa mga Manileño, dumating na kahapon”