NEWS PROVINCIAL

Ex–Governor Pax Mangudadatu: Gawing libre para sa lahat ang serbisyo ng bagong–bukas na 399–bed capacity na Sultan Kudarat provincial hospital

SULTAN KUDARAT, Philippines (R12) –– Gusto ni former Sultan Kudarat Governor Pax S. Mangudadatu na gawing “libre” sa lahat ng mga tao ang bagong–bukas na Sultan Kudarat Provincial Hospital (SKPH) sa bayan ng Isulan, kilalang “capital town” ng probinsya.

[by ABDUL CAMPUA with reports from RASHID RH. BAJO/Photo credit to the PIA–Sultan Kudarat]

SULTAN KUDARAT, Philippines (R12) –– Gusto ni former Sultan Kudarat Governor Pax S. Mangudadatu na gawing “libre” sa lahat ng mga tao ang bagong–bukas na Sultan Kudarat Provincial Hospital (SKPH) sa bayan ng Isulan, kilalang “capital town” ng probinsya.

Isa si Pax Mangudadatu sa mga “special guest” na dumalo sa nasabing “soft opening” ng 399–bed capacity na provincial hospital, kung saan makikitang nakatayo sa harap ng kapitolyo na para bang isang “palasyo.”

Kasama ni ex–Governor Mangudadatu ang kanyang anak na si Suharto “Teng” Mangudadatu, kung saan ang siyang kasalukuyang gobernador ng probinsya, at ang ilang matataas na mga opisyal na nagmula sa ibat–ibang mga ahensya.

Dumalo rin sa seremonya ang misis ni Governor Teng Mangudadatu na si Bai Mariam Sangki–Mangudadatu na siyang gobernadora naman ng kalapit–probinsya nito na Maguindanao.  

Dumagsa rin ang media, kasama na ang ilang mga sikat na social media blogger/vlogger, sa nasabing seremonya upang ma–cover nila dahil para sa kanila ang nasabing gusali ay isang magandang istorya.

Sa kanyang mensahe, gusto ni ex–Governor Pax Mangudadatu na gawing “libre” sa lahat, lalo na sa mahihirap na mga tao, ang nasabing bagong–tayo na pagamutan.

Ayon kay ex–Governor Pax Mangudadatu, kailangang matulungan ang mga mahihirap dahil “kawawa” sila at dapat mabigyan sila ng prayoridad na makatanggap ng libreng–serbisyo.

Ang nasabing hospital ay flagship project ng provincial government, kung saan ang layunin  ay makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo sa pangkalusugan sa lahat ng mga residente ng probinsya.

Sa probinsya ng Sultan Kudarat, kilala si ex–Governor Pax Mangudadatu na “mabait” na opisyal ng probinsya dahil kahit sino ay hinaharap nito at tinutulungan.

Tinagurian siyang ‘The Action Man” ng probinsya dahil umaaksyon agad ito sa problema para malutas kaagad.

Kilala si ex–Governor Pax Mangudadatu na “first Muslim governor” na nahalal sa “Christian–dominated Sultan Kudarat province.” #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Ex–Governor Pax Mangudadatu: Gawing libre para sa lahat ang serbisyo ng bagong–bukas na 399–bed capacity na Sultan Kudarat provincial hospital

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: