
Wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa ayon sa UP National Institutes of Health (NIH) nitong Sabado, June 26.
Sinabi ni NIH executive director Dr. Eva Maria dela Paz na ang napaulat na 17 cases ng Delta variant sa bansa ay mga foreign travelers.
“Lahat sila ay galing sa incoming international travelers. Wala pa pong tayong naitalang local cases as of our last sequencing,” saad ni Dela Paz.
Aniya, ang Delta variant ay may 60% transmissible mas mataas kumpara sa Alpha variant na 40% transmissible kaysa sa regular variant ng COVID-19.
Ayon pa kay Dela Paz, ang AstraZeneca at Pfizer ay epektibo pa ring gamitin laban sa COVID-19 na may pagtatala na 60% hanggang 80% sa dalawang doses nito.
Nagbigay pahayag naman si World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang naturang bagong variant ng COVID-19 ay mas binibigyang pagtutuok dahil sa highly-contagious na hawaan nito. #DM
Pingback: Posibleng travel ban sa Indonesia pinag-aaralan ng mga eksperto bunsod ng Delta variant – Duque – DM DIGITAL NEWS