
Nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 fatality rates ang Taguig City, ayon sa lokal na pamahalaan nito.
Kung pagbabasehan ang pagtatala ng OCTA Research Group, ang naturang lungsod ay mayroon lamang 0.72% CFR recorded mula June 17 hanggang 23, na mas mababa kaysa 1.5% na naitala sa ilang bahagi ng National Capital Region.
Ang pagpapakita ng mababang pagkamatay sa COVID-19 cases sa isang lokal na pamahalaan ay patunay lamang na mas marami pang masasalbang buhay sa mga infected ng virus.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano na kanilang iniingatan at pinanatili ang kalinisan ng lungsod at ang pagsasagawa ng kaparaanan na ibinubuhos ng mga healthcare workers sakabila ng banta ng COVID-19.
Nagbigay pasasalamat si Cayetano sa round-the-clock na pagtatrabaho ng mga healthcare workers nito upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga kababayan at makatanggap ng bakuna ng tuloy-tuloy.
Nasa 12 vaccination sites ang kasalukuyang nag-ooperate sa nasabing lungsod para tumanggap ng mas maraming tao na magpapabakuna.
Ang mga vaccination sites ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar at establisimyento; SM Aura, Lakeshore are; Vista Mall Parking Building, Bonifacio High Street; Venice Grand Canal Mall, Lakeshore Trade Center at ang walong community vaccine centers sa RP Cruz Elementary School, EM’s Signal Village Elementary School, Western Bicutan National High School, St. Lukes Medical Center, Medical Center taguig, at Sea Breeze. #DM
0 comments on “Taguig, mababa ang COVID-19 Fatality Rates”