
Bagong coronavirus infections na Delta variant nananalasa sa South Africa na unang natukoy sa India.
Ito na ang ikatlong wave sa South Africa ng coronavirus ayon sa mga eksperto.
Batay sa pagtatala, ang South Africa ang pinaka apektado na bansa sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na may higit 40% na mga naitatalang namamatay.
Habang ang rollout naman ng pagbibigay ng bakuna ay mabagal, na may 2.7 million lamang ang naipamahagi roon sa mahigit 60 million population.
“A new variant seems to be not only arising, but it seems to start dominating the infections in South Africa,” pahayag ni Professor Tulio de Oliveria ng University of KwaZulu-Natal sa isang news conference.
Sinabi ni Mr. De Oliveira na may transmission ng Delta variant sa probinsya ng Kwazulu-Natal at sinusuri ng mga siyentipiko ang datos sa Gauteng, ang lalawigan kung saan matatagpuan ang pinakamalaking lungsod ng Johannesburg.
Nakapagtala ang South Africa ng mahigit 18,000 new infections nitong Biyernes, at 215 naman ang nasawi sa Delta variant.
Sinabi ni Acting health Minister Mmamoloko Kubayi-Ngubane sa isang news conference na humantong na sa pinaka peak ng third wave ang kaso ng COVID-19 doon kung saan ay nakakapagtala ang kanilang bansa ng mahigit 21,000 bagong kaso kada araw. #DM
0 comments on “Delta COVID-19 variant nananalasa sa South Africa, ayon sa mga eksperto”