GLOBAL NATIONAL NEWS

Duterte, hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC laban sa kanyang “war on drugs” campaign

Tumanggi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makipagtulungan sa isang potensyal na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kasagsagan ng kanyang "war on drugs" campaign sa panawagan ng Estados Unidos at European Union, ayon sa political analysts.

Tumanggi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makipagtulungan sa isang potensyal na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kasagsagan ng kanyang “war on drugs” campaign sa panawagan ng Estados Unidos at European Union, ayon sa political analysts.

“Western powers such as the US and EU would certainly be concerned about this refusal to cooperate,” ayon kay Robin Michael Garcia, pangulo ng WR Numero Research, sa isang text message nitong Linggo [June 27].

“Duterte’s refusal could embolden these countries to open up the conversation and make it part of negotiations in pandemic support and other types of aid,” dagdag ni Garcia.

Tinanggihan ng Palasyo ang rekomendasyon ng ICC’s outgoing chief prosecutor na buksan ang usapin sa diumano’y kriminalidad against humanity na pinamunuan ni Pangulong Duterte sa kanyang anti-drug campaign.

Sinabi ni Presidential Spokesman Herminio L. Roque Jr. na ang planong ito ay, “legally erroneous and politically-motivated.” na ang internasyonal na hukuman ay walang jurisdiction sa pag-usig ng mga kaso na kinasasangkutan ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa partikular na bansa.

Sinabi pa ni Roque na ang Pangulo at ang pamahalaan nito ay hindi makikipagtulungan sa Netherlands-based tribunal sa kahit anong potensyal na imbestigasyon dahil hindi raw ito “in aid of substantial justice.”

Maging si US President Joseph R. Biden ay hindi nagbigay pahayag laban kay Duterte patungkol sa war-on-drug nito. Aniya, mas binibigyang importansya ni Biden ang “human rights” base sa US policy at hindi ang usapin sa ibang mga bansa gaya ng Pilipinas, ayon kay Garcia. #DM

0 comments on “Duterte, hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC laban sa kanyang “war on drugs” campaign

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: