
Iniulat ni Department of Health Secretary Francisco Duque III nitong gabi sa weekly Talk to the People pandemic update na ang COVID-19 cases sa bansa ay tila nagpapahiwatig ng pagbaba ng trend o kaso mula nang matamo nito ang bilang ng peak sa mga nagdaang buwan.
Sa iprinesenta ni Duque, kapansin-pansin dito ang mataas na bilang ng peak noong 2020; sa NCR at Visayas, ang bilang ng mga impeksyon sa COVID-19 ay doble kaysa sa nakaraang taon; samantala, sa natitirang bahagi ng Luzon at Mindanao, halos apat na beses na mataas ang bilang ng mga ito ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.

“Kumpara noong 2020, makikita po natin ay ang dumoble ang atin pong peak ng NCR, ‘yong blue graph na nakikita po natin, ‘yan po, ang umabot tayo sa peak of 5,534 ang Plus areas at Visayas ngayong 2021. At sa kabilang dako naman, apat na beses na mas mataas ang trend ng rest of Luzon at Mindanao ngayong taon kumpara po noong 2020,” saad ni Duque.
Inaasahan ng ahensya na magpapatuloy pa ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa iba pang bahagi ng bansa. #DM
0 comments on “COVID-19 cases peak sa bansa, 4 na beses na mas mataas ngayong taon kumpara noong 2020 – Duque”