
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senator Manny Pacquiao sa diumano na ang Administrasyong Duterte ay mas corrupt ng tatlong beses kaysa sa nakaraang administrasyon.
Sa weekly public address ng Pangulo, hinamon ni Duterte na pangalanan ng Senator ang mga tiwaling opisina o tatakbo siya [Duterte] laban kay Pacquiao sa 2022 Eleksyon.
“Si Pacquiao, salita ng salita na three times daw tayo mas corrupt. So I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala, within one week may gagawin ako,” saad ni Pangulong Duterte.
“Anong opisina kasi sa pagkakaalam ko wala,” dagdag pa ni Duterte.
“If you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it because if not I will just tell the people: do not vote for Pacquiao because he is a liar,” ani Duterte kay Paquiao.
Matatandaan, tinawag ni Duterte si Pacqauiao na “shallow” matapos ang pagpuna nito sa isyu ng West Philippine Sea. #DM
0 comments on “Duterte, hinamon si Pacquiao sa pambabatikos nito sa diumano’y mas corrupt niyang Administrasyon”