CAMPUS NEWS

Duterte, nagpaumanhin sa mga magulang sa hindi pagpapahintulot ng physical classes

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga magulang ng bawat estudyante matapos niyang hindi payagan ang ideya ng pagpapahintulot sa physical classes sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga magulang ng bawat estudyante matapos niyang hindi payagan ang ideya ng pagpapahintulot sa physical classes sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

“Ako naman nanghingi ng patawad sa inyong lahat sa nanay, tatay kasi delayed ang edukasyon ng mga bata. Patawarin niyo po ako kasi di ko kaya magbigay ng pahintulot na hindi na sila normal sa eskwelahan,” pahayag ni Duterte sa kanyang pre-recorded weekly briefing.

“Kasi kung madisgrasyahan, buhay ito. Ang ano nito ang is delayed lang ang education ng bata pero it will normalize one of these days but I cannot gamble with the life of children mahirap yan kasi ako mananagot lahat,” dagdag pa ng Pangulo.

Ipinaliwanag ni Duterte na hindi niya muna pahihintulutan ang face-to-face classes hangga’t hindi nakasisilip ng mas malinaw na kasiguraduhan sa pagharap sa COVID-19 na nakahahawa ng ibang tao.

Aniya, ikinababahala rin ng Pangulo ang pagsulpot ng Delta variant na baka maging dahilan ng hawaan para sa mga mag-aaral at iba pang tao.

“Kasi kung ang mga bata nandyan baka mahawa tsaka dadating itong D (Delta variant) na sinabing  mas aggressive and more fatal than COVID-19 yung mother ano niya,” ani Duterte.

Samantala, sinisiguro ng pamahalaan na ang lahat ng mga guro ay mabakunahan para na rin maproteksyunan ang bawat isa na mahawa ng nakamamatay na COVID-19 lalung-lalo na kung sakaling ibalik ang face-to-face classes sa bansa. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Duterte, nagpaumanhin sa mga magulang sa hindi pagpapahintulot ng physical classes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: