Banner Story NATIONAL PULITIKA

July 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day, inihain sa Senado

Naghain ng resolution si Sen. Risa Hontiveros na mabigyang pagkilala at paggalang sa tagumpay ng Pilipinas noong 2016 arbitral ruling kung saan pumabor sa Pilipinas ang claim sa West Philippine Sea, na gunitain ang mga pagsisikap ng yumaong dating Pangulo Benigno Simeon "NoyNoy" Aquino III.

Naghain ng resolution si Sen. Risa Hontiveros na mabigyang pagkilala at paggalang sa tagumpay ng Pilipinas noong 2016 arbitral ruling kung saan pumabor sa Pilipinas ang claim sa West Philippine Sea, na gunitain ang mga pagsisikap ng yumaong dating Pangulo Benigno Simeon “NoyNoy” Aquino III.

Batay sa Senate Resolution No. 762 na nagdedeklara na ang petsa ng July 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day upang alalahanin ang tagumpay ng Pilipinas laban sa China.

“PNoy is the father of our 2016 victory at The Hague. If not for his unwavering commitment to put the Philippines first, we would not have been awarded a landmark legal decision in international law, which established our credibility in the global arena,” pahayag ni Hontiveros sa isang statement.

“Nang dahil sa tagumpay natin sa The Hague, buo ang loob ng international community na kumampi sa Pilipinas sa bawat pagmamalabis ng Tsina,” dagdag pa ni Hontiveros.

Ang naturang resolusyon ay pagkilala rin sa administrasyong Aquino sa pagdepensa nito sa soberanya ng bansa laban sa mapag-angkin na China, kung saan ang mga Pilipinong mangingisda ay mahigpit nipang pinagbawalan na mangisda sa Panatag Shoal at iba pang bahagi ng West Philippine Sea.

Nais din bigyang linaw ng resolusyong ito ang disinformation and misinformation sa mga tunay na kaganapan patungkol sa arbitral ruling.

“Marami ang nagmamaliit sa tagumpay na ito. Marami rin ang mga fake news na nakikita natin na kesyo si PNoy daw ang dahilan kung bakit nawala sa atin ang ating mga teritoryo,” ani Hontiveros.

Ang Pilipinas ay may karapatan sa yamang dagat sa West Philippine Sea na may higit 55.1 trillion cubic feet na natural gas at 5.4 billion na langis, kung saan ay napapaloob din ito sa resolusyon.

“The WPS is also a traditional fishing ground of Filipino fisherfolk, with an annual fish yield of 5 million tons sustaining the economies of coastal communities on the western coasts of Luzon and Palawan,” kung saan ito ay mababasa sa nasabing resolution.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring isinasawalang bahala ang 2016 arbitral decision ng China kung saan ang mga fishing vessels nito ay patuloy pa rin ang pananakop sa teritoryo sa West Philippine Sea na ating pagmamay-ari. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “July 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day, inihain sa Senado

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: