
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng San Juan City ang pagbabakuna gamit ang unang batch ng Moderna vaccine ngayong araw, Miyerkules [June 30], para sa kanilang vaccination program laban COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nasa 900 katao ang mabibigyan ng initial supply na 1,800 Moderna doses sa kanilang lungsod.
Nitong Martes, sinabi ni Zamora na 82% sa kanilang lungsod na may target population na 70,269 out of 85,400 ang nabakunahan na.
“Umaasa tayo by July 15 ay 100 percent nabakunahan na sila ng first dose,” saad ni Zamora sa isang reporter.
Ang lokal na pamahalaan ng San Juan ay nakakapag bakuna ng mahigit 3000 indibidwal kada araw, ayon kay Zamora.
Magbubukas ang San Juan City ng ikatlong vaccination site sa Greenhills Shopping Center sa darating na Linggo [July 4], upang makapagbakuna pa ng mas marami o 5,000 indibidwal kada araw.
Sa huling pagtatala nitong June 27, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang Pilipinas ay nakatanggap na ng mahigit 10 million doses na bakuna kontra COVID-19. #DM
0 comments on “First batch ng Moderna vaccines sinimulan ng gamitin sa San Juan City ngayong araw”