NATIONAL NEWS

Pamumuo ng volcanic smog o vog sa Taal Volcano, binabantayan

Nagbigay babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) tungkol sa pumumuo ng volcanic smog o vog sa mga kalapit-lugar partikular sa Taal Caldera region, nitong Lunes, June 28.

Photo from Go Batangas official Facebook page

Nagbigay babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) tungkol sa pumumuo ng volcanic smog o vog sa mga kalapit-lugar partikular sa Taal Caldera region, nitong Lunes, June 28.

Ang smog o vog ay binubuo ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions at ito ay lubhang mapanganib sa kalusugan kung sakaling malanghap. Kaya naman, pinag-iingat ang mga residente sa karatig-lugar ng Taal Volcano.

Pinag-iingat ang may mga karamdaman tulad ng asthma, lung disease, heart disease, ang mga buntis, mga matatanda at mga bata. Maaari itong maging sanhi ng pangangati ng mga mata, lalamunan, at hirap sa paghinga dahil maaari nitong sirain ang respiratory tract depende sa tagal ng pag-expose ng tao sa paligid ng Taal.

Pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na umiwas sa exposure sa vog. Manatili sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pinto.

Makatutulong ang pagsuot ng face mask, at uminom ng maraming tubig para maiwasan ang throat irritation.

Sinabi rin ng PhiVolcs kahapon [June 29], na ang malabong kapaligiran sa Metro Manila ay hindi galing sa Taal Volcano. Bagkus, ang pinagmumulan nito ay ang polusyon sa Metro Manila.

“Ang malabong kapaligiran o ‘haze’ na naranasan sa Metro Manila ay ‘smog’ o dulot ng polusyun galing sa ‘human activities’ at HINDI galing sa Taal Volcano.” paglilinaw ng PhiVolcs. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Pamumuo ng volcanic smog o vog sa Taal Volcano, binabantayan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: