Trending Now

Tig-diyes at Singko sentimos na Sahod ang natanggap ng isang Factory Worker sa Valenzuela City

Pang-iinsulto ang inabot ng isang factory worker matapos nitong matanggap ang kanyang 2 days work of wages o sahod na nakuha nito sa kumpanyang pinapasukan.

[ni Rex Molines]

Pang-iinsulto ang inabot ng isang factory worker matapos nitong matanggap ang kanyang 2 days work of wages o sahod na nakuha nito sa kumpanyang pinapasukan.

Barya na tig-singko at diyes sentimos ang nakuhang sahod ng factory worker na si Russel Mañosa.

Aniya, nagkakahalaga ng Php1,056.00 para sa kanyang pagta-trabaho nitong June 18 hanggang 19.

Sa sobrang pagkalumo ni Russel at kailangan niya ng pera para sa pamilya, tinanggap na lang niya ito mula sa kahera sa kanyang pinapasukan. Hindi na ito nagawang bilangin pa ni Russel dahil sa sandamakmak na barya ang iniabot sa kanya.

“Ganyan po nadatnan ko, imbes na papel [na pera] ang makukuha ko, nakakainis din po. Hindi ko po sana kukunin yung centavos e biglang nagsabi yung checker na umalis na po ako nakuha ko na raw po ang sahod ko, pabuo ko na lang daw po sa banko,” nanlulumong saad ni Russel sa isang interbyu sa kanya.

Panlulumo ang naramdaman ni Russel at tila paghihiganti ang isinukli sa kanya ng kanyang amo. Dahil minsan na niya itong inireklamo dahil sa hindi tamang pagpapasahod.

Sa tulong ng kanyang pinsan, ipinost ang video na ito at nakarating kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Ipinatawag ng Alkalde ang employer na pinapasukan ni Russel ngunit wala raw ang may-ari kaya ang kinatawan nito ang humarap.

“Kung accidental, bakit tugmang-tugma yung amount nung barya dun sa 2 days work of wages. Kung mapatunayan natin na intentional yung pangyayari, remember a business permit nakalagay sa business permit namin [ang business permit ay isang pribilehiyo na pwedeng bawiin kapag may inilabag kang lokal na batas or national na batas], remember may BSP ruling na pagbumili ka ng produkto may limit ang barya na pwede mong gamitin.” saad ni Mayor Gatchalian sa isang TV interbyu.

Batay sa Banko Sentral ng Pilipinas circular no. 537, may limitasyon ang paggamit ng barya; One thousand pesos (P1,000.00) for denominations of 1-Piso, 5-Piso, and 10-Piso coins; One hundres pesos (P100.00) for denominations of 1-sentimo, 5-sentimo, 10-sentimo, at 25-sentimo coins.”

Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw ang dalawang kampo at kung hindi humarap ang may-ari may kaukulang itong kaso na kakaharapin ng kanyang kumpanya. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Tig-diyes at Singko sentimos na Sahod ang natanggap ng isang Factory Worker sa Valenzuela City

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: