Bakit nga ba kagat ng Atleta ang kanilang Gold medal?

Sadyang hindi maikukubli ang kagalakan at kasiyahang nararamdaman ng mga atleta na nagwagi sa Olympics matapos nilang masungkit at maiuwi ang gold medal bilang representasyon ng ating pagkakakilanlan sa larangan ng internasyonal na palaro.

DANGAL AT HUSAY, KARANGALAN NG BAYAN

Sa magkaparehong araw nitong Hulyo 26, 2021 dalawang malalaking balita sa kasaysayan ng Pilipinas ang sumalubong sa ating lahat; ang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kauna-unahang Olympic Gold Medal ng Pilipinas na nasungkit ng isang Pinay na si Hidilyn Diaz matapos magwagi sa women’s 55-kg weightlifitng event sa 2020 Tokyo Olympics na ginanap sa Tokyo International Forum sa Japan.