
Lumabas sa isang pagsusuri na 23% porsyento ng mga manggagawang Pilipino ay iniisip na bumitaw o mag-quit na sa trabaho dahil sa mga nararanasang mental health challenge mula nang tumama ang pandemya nitong nakaraang taon.
Isinagawa ang naturang na survey ng MindNation sa 6,000 respondents na nagpakita ng kawalan ng gana sa trabaho o productivity loss, at talent loss. Ito ang madalas na nararamdaman ng mga epleyado at base na rin sa karanasan ng mga employer dahil sa nararanasang mental health crisis sa gitna ng pandemya.
Ang survey ay ginawa noong Setiyembre 2020 hanggang Abril 2021.
“In our database, 23% of employees state that they would ‘think about’ quitting due to mental health and wellbeing challenges,” nakasaad sa naturang survey.
“Losing talent is a significant failure to the company as it takes days to find a replacement for a vacated position. This also entails additional time and effort from the organization as a new hire requires onboarding and training,” base sa survey.
13% ng mga manggagawa ang nagsasabi na mas pinipili nilang mag-file ng sick leave sanhi ng mental health and well-being challenges, habang 11% ay pipiliin na ilihim ang kanilang pinagdadaanan kaysa sabihin sa sinuman.
Hindi bababa sa 35% ng mga manggagawa ang nagsabi na mayroon silang mga isyu ukol sa kanilang produktibo sa trabaho.
Sinabi ng MindNation na ang top source ng mental health challenges ay ang takot sa COVID-19 (80%), financial pressures (47%), work performance pressure (44%), at ang mga pinagdadaanan ng bawat pamilya na nakakaapekto rin sa trabaho (25%).
Pinaka hamon din sa usaping ito ay ang kawalan ng pokus at konsentrasyon ng mga manggagawa, kawalan ng tiwala o kumpiyansa sa sarili, problema sa pagtulog at ang kalugmukan sa sarili na hindi kontrolado ng ating isipan.
Ilan sa mga pinaka-apektado ng pandemya ay ang mga manggagawa edad 18 hanggang 25, mga single na walang anak, mga manggagawang nagtatrabaho ng full-time night shift, mga kabilang sa LGBTQ community, at ang mga manggagawa na ayaw ibunyag ang kanilang mga pagkatao o kasarian.
“These are the segments the companies should dedicate even more attention to during the pandemic,” ayon sa MindNation.
Pinayuhan naman ng naturang grupo na mas makabubuti para sa mga empleyado na makapag provide ang bawat employer na makahanap ng mental healthcare provider na makatutulong sa produktibo ng kanilang mga manggagawa. Ang pagtatakda ng mga polisiya na may kaugnayan sa mental health ng bawat manggagawang dumaranas ng samu’t saring pagsubok sa loob ng opisina at sakanilang mga sariling problema. #DM
0 comments on “23% ng mga manggagawang Pilipino ang nais mag-quit na sa trabaho dulot ng mental health challenges – Survey”