BREAKING

Bulkang Taal, itinaas sa Alert Level 3 ngayong araw; mga residente lumikas

Tuluyan nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Alert Level 3 ang estado ng Bulkang Taal ngayong araw.

Tuluyan nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Alert Level 3 ang estado ng Bulkang Taal ngayong araw.

Aniya, nangangahulugan na raw ito ng “magmatic unrest.”

Ito ay nangyayari kapag ang sulfur dioxide mula sa Taal ang dahilan ng volcanic smog (vog) na humahalo sa kapaligiran at hangin sa Metro Manila na kinumpirma ng Phiviolcs.

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 2 (increasing unrest) to Alert Level 3 (magmatic unrest). At 1516H (3:16 PM) PST, Taal Volcano Main Crater generated a short-lived dark phreatomagmatic plume 1 kilometer-high with no accompanying volcanic earthquake,” ayon sa volcanologists ngayong araw.

“This means that there is magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions.” dagdag pa.

Mariing inirerekomenda ng Phivolcs ang agarang paglikas ng mga residente roon mula sa Agoncillo at Laurel, Batangas dahil sa banta ng “pyroclastic density currents” at “volcanic tsunami.”

“So far, inalis na po previously ang mga community sa volcano island. We are coordinating with Phivolcs po and the RDRRMC CALABARZON for developments,” pahayag ni Mark Timbal, spokesperson ng NDRRMC.

Ipinapaalala sa publiko na Permanent Danger Zone ang buong Taal Volcano Island. Pinagbabawalan din ngayon ang pagpasok sa high-risk areas ng dalawang lugar na nabanggit.

Ngayong itinaas na sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal, posible na ang “hazardous eruption” nito sa loob ng ilang araw o linggo.

Matatandaan na ang huling Alert Level 4 ng bulkan ay naganap noong Enero 2020 kung saan libu-libo ang lumikas at naapektuhan. Umabot din hanggang sa Kamaynilaan ang peligrosong asupre [ashfall] ng Taal volcano. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Bulkang Taal, itinaas sa Alert Level 3 ngayong araw; mga residente lumikas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: