Photo News PROVINCIAL

Malayong purok sa South Cotabato binigyan ng solar lights ni Congressman Hernandez

SURALLAH, South Cotabato --- Sa malayong sitio ng isang barangay sa bayan na ito, ang mga tao doon ay umaasa na sana balang-araw makita nila ang ganda ng isang maliwanag na paligid sa gitna ng dilim.

[by RASHID RH. BAJO]

SURALLAH, South Cotabato — Sa malayong sitio ng isang barangay sa bayan na ito, ang mga tao doon ay umaasa na sana balang-araw makita nila ang ganda ng isang maliwanag na paligid sa gitna ng dilim.

Matagal silang nangarap na sana magka-ilaw ang kanilang mga paligid. Ang kanilang mga pangarap at mga dasal ay tinupad ni South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez.

Noong nakaraang-linggo, limang poste ng “solar light” ang tinayo sa paligid ng Sitio Tapok sa Barangay Moloy.

Ayon kay Vice Mayor Pinky Divinagracia ng nasabing bayan, matagumpay nilang naikabit sa limang poste ang lima ring solar lights na mula kay Congressman Hernandez.

Naibigay ang nasabing mga solar light sa pamamagitan ng tulong nila South Cotabato Board Member Larry De Pedro IV at Councilors Nonoy Valdevieso, Toto Res Villanueva at Ian Cristopher Banez Escleto.

Ang pamamahagi ng solar lights ay bahagi ng pailaw na programa ni Congressman Hernandez sa mga malayong lugar ng probinsya.

Ayon sa report, labis ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Tapok kay Congressman Hernandez sa ibinigay nitong mga solar light sa kanilang lugar. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Malayong purok sa South Cotabato binigyan ng solar lights ni Congressman Hernandez

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: