Malayong purok sa South Cotabato binigyan ng solar lights ni Congressman Hernandez
[by RASHID RH. BAJO]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!SURALLAH, South Cotabato — Sa malayong sitio ng isang barangay sa bayan na ito, ang mga tao doon ay umaasa na sana balang-araw makita nila ang ganda ng isang maliwanag na paligid sa gitna ng dilim.
Matagal silang nangarap na sana magka-ilaw ang kanilang mga paligid. Ang kanilang mga pangarap at mga dasal ay tinupad ni South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez.
Noong nakaraang-linggo, limang poste ng “solar light” ang tinayo sa paligid ng Sitio Tapok sa Barangay Moloy.
Ayon kay Vice Mayor Pinky Divinagracia ng nasabing bayan, matagumpay nilang naikabit sa limang poste ang lima ring solar lights na mula kay Congressman Hernandez.
Naibigay ang nasabing mga solar light sa pamamagitan ng tulong nila South Cotabato Board Member Larry De Pedro IV at Councilors Nonoy Valdevieso, Toto Res Villanueva at Ian Cristopher Banez Escleto.
Ang pamamahagi ng solar lights ay bahagi ng pailaw na programa ni Congressman Hernandez sa mga malayong lugar ng probinsya.
Ayon sa report, labis ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Tapok kay Congressman Hernandez sa ibinigay nitong mga solar light sa kanilang lugar. #DM
You must be logged in to post a comment.