
Pinag-aaralan ng mga eksperto ang posibleng travel ban mula Indonesia sakabila nang banta ng Delta coronavirus variant, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ngayong Huwebes.
“This is being studied by our technical advisory group of experts. I understand that there are already many countries [that] the Delta variant has invaded,” saad ni Duque sa kanyang interbyu sa ANC.
Extended hanggang July 15, 2021 ang pansamantalang travel ban sa United Arab Emirates, Pakistan, India, Sri Lanka, Oman, Nepal, at Bangladesh bunsod ng lumalaganap na Delta variant.
Hinimok naman ni Health reform advocate and former government advisor na si Dr. Tony Leachon na mag-impose ng travel ban ng mas maaga kung saan ay nakikita na maaring magdulot ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagtukoy ng hawaan ng Delta variant na laganap sa iba’t ibang bansa.
Bilang tugon, sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kanilang hihigpitan ang border control sa Pilipinas kaysa sa pagpapalawak ng travel ban dahil ang Delta variant ay natukoy naman sa mahigit 90 bansa.
“What is important is a very stringent border control. The quarantine protocol has to be strictly enforced,” ani Duque. #DM
0 comments on “Posibleng travel ban sa Indonesia pinag-aaralan ng mga eksperto bunsod ng Delta variant – Duque”