[RBM]

Hindi maaaring tumakbo para sa pagka gobernador ng Camarines Sur si Bise Presidente Leni Robredo sa darating na national and local elections, ayon kay Camarines Sur representative Luis Raymund “LRay” Villafuerte nitong Miyerkules, June 30.
Sa isang interbyu sa Taguig City, ipinahayag ni Villafuerte ang paniniwala na hahanapin ni Robredo ang kandidatura para sa mas mataas na posisyon sa bansa sa darating na 2022 Eleksyon.
“Ako, personally ang pakiramdam ko si Leni will run for president ngayon ‘yung sinasabing she’s considering to run for local, she can run for Congressman or mayor of Naga City but definitely not for governor,” saad ni Villafuerte.
“Why? May kaso na po ang Comelec na if you’re a registered voter of Naga City, you are disqualified to run in the province. Decided case na po ‘yan,”dagdag pa ni Villafuerte.
Binanggit ni Villafuerte ang kaso ng dating solicitor general Jose Anselmo Cadiz na tumakbo para sa gobernador ng Camarines Sur.
“He is a registered voter of Naga City, he ran against my father and my son before. Nagdecide ‘yung Comelec if you’re a registered voter of Naga City, you cannot vote for governor therefore you cannot run for governor because independent chartered city ang Naga,” ani Villafuerte.
Nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 305 o ang Charter of the City of Naga na, “qualified voters of the city shall not be entitled to vote in any election for the offices of provincial governor and members of the provincial board of Camarines Sur: Provided, however, that any of such qualified voters can be candidate for any provincial office.”
Pahayag pa ni Villafuerte na hindi inilipat ni Robredo ang kanyang voter’s registration sa bayan ng Magarao, salungat sa pag-angkin ng dating Camarines Sur representative Rolando Andaya Jr.
“Nagpatayo siya ng bahay sa Magarao pero di siya lumipat as registered voter, number one… and you need one year residency to run for governor so ‘yung bahay niya sa Magarao is still under construction so you have to physically be there. actually kailangan lumipat ka. Hindi siya lumipat,” saad pa ni Villafuerte.
Wala pang malinaw at pinal na pahayag si Robredo kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon sa darating na 2022 Eleksyon. #DM
0 comments on “Robredo, hindi pwedeng tumakbo bilang Gobernador ng CamSur – LRay”