[by Athena Yap]
Isa-isang pinangalanan ng newly Kapuso Star na si Bea Alonzo ang mga ninanais niyang makatrabaho ngayong opisyal na siyang naka-pirma ng kontrata sa GMA.

Ayon sa kaniya, bukod pa sa pelikula ay nais din niyang makasama sa teleserye si Alden Richards dahil aniya’y magaan kasama sa trabaho ang aktor, pero bukod pa kay Alden ay hiling din niyang makatambal sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo.
Kuwento pa niya ay nakatambal niya noon si Dennis bago niya makatambal si John Lloyd.
Batid din ng aktres na inaasahan niya ang patuloy na suporta sa kaniya ng mga fans niya kahit na nasa kabilang network na siya. #DM
0 comments on “Bea Alonzo nais makatambal sina Dennis Trillo, Dingdong Dantes atbp.”