Biro ni Duterte sa Taal Volcano eruption kahapon: Siguro lagyan ko lang ng cap
Nagbiro si Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa paglalagay ng cap sa bunganga ng Taal Volcano matapos itong magkaroon ng brief volcanic eruption kahapon, July 01.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!“Siguro lagyan ko lang ng cap… iyong butas…itong Taal na ‘yan,” pahayag ni Duterte sa inagurasyon ng LRT2 East Extension Project.
Itinaas ng otoridad sa Alert Level 3 ang bulkang Taal nitong Huwebes [July 01], dahil sa pag-aalburoto nito.
Sa masinsinang usapan, tiniyak naman ni Duterte na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakahanda na para sa mga pangangailangang pagtugon sa anumang kaganapan may kaugnayan sa aktibidad ng bulkang Taal.
“It could get worse but I said there will be instant gratification because there are workers on the ground ready,” saad pa ni Duterte.
Huling pumutok ang Taal volcano at magbuka ito ng napakaraming asupre na nakaapekto sa malaking bahagi ng Batangas, Cavite, Laguna at maging sa Metro Manila noong nakaraang taon buwan ng Enero. #DM
You must be logged in to post a comment.